Saturday, July 30, 2005

Nagwawala, nawawala

Bakit ba minsan talaga, gusto mo na lang magwala?
Yung parang feeling mo gusto mong maglupasay at mag-iiyak dahil sa bigat ng nararamdaman mo. Yung bang feeling mo di mo na talaga kaya at kung hindi mo nailabas, mamamatay ka na. Kasi feeling parang lahat na ng problema sa mundo bumagsak sayo. Sakit sa ulo.
Bakit minsan kung ano yung hinahanap mo yun yung nawawala?
Kung anong kailangan mo sa buhay, yun yung hindi mo makita. Kahit gaano katagal kang maghintay, hindi dumadating. Pag naghahanap ka ng pamunas ng uhog kasi wala kang panyo, wala kang makita. Pag naghihintay ka ng dyip na Pantranco, puro Philcoa at SM North ang dumadaan. Pag hinahanap mo yung crush mo, may klase at hindi mo alam kung anong room. Sakit sa ulo.
Pero ganun talaga, eh. Wala akong magagawa.
Sakit talaga sa ulo.

Wednesday, July 27, 2005

Automatic

Bakit ganun? May mga araw na kahit anong gawin mo, you feel completeley shitty? Sobrang nakakawindang ang araw kahit na wala ka pang ginagawa.
Narealize ko kanina na napaka-automatic na pala ng buhay ko. Paggising sa umaga, bangon, palit ng cd sa player, timpla ng kape, kain ng almusal, kuha ng damit, ligo, bihis, alis.

Pati yung pagbiyahe ko automatic na. Lakad, sakay ng tryk, tawid, sakay ng dyip, sakay ng dyip, sakay ng mrt, sakay ng dyip.. Parang habang nangyayari lahat yun, tulog parin ang diwa ko. Tsaka lang ako nagigising pag nasa loob na ko ng klasrum ko. Kasi alangan namang titigan ko lang yung mga kaklase ko diba..
I was thinking that I felt so unconscious. Not unconscious like I'm not awake but unconscious that I don't know what's happening around me. Parang nasa loob ako ng bula at hindi ko naririnig ang nangyayari sa paligid ko. Lahat ng nakikita ko, distorted at malabo.
May mga araw na ayaw ko ng gumalaw. Na kung pwede lang, buong araw na lang ako nakatihaya sa kama at nakatingin sa kisame.
Kaya lang hindi pwede kasi lagot ako sa nanay ko.
Minsan naman ayokong tumigil sa paggalaw, kasi ayokong mapaupo at mapag-isip ng kung anu-anong masakit sa loob.
Ang labo.
Pero ganun talaga..
Sana iba na lang ang buhay ko.

Automatic mode na. Toothbrush, hilamos, tulog. OFF.

Saturday, July 23, 2005

my beyBi

Bi, you're the only one who makes me happy.
Bi, you're the only one who doesn't judge me.
Bi, you're the only one who doesn't tell me what to do.
Bi, you're the only one who makes me feel good about myself.
Bi, you are the one that makes my life complete.

I Do

Sororul nukkyogamyonso
Jogumshig soro aragamyonso
Onjenganun uri, ochomyon duri, I do
Chingudul apheso
Uriga chingusail nomoso
Duri yongwonhi hamke hagiro hedamyo, I do
And I, I wanna know
Naman irohge nukkingonyago
Anim ni maumdo ne maumchorom
Yongwonhi hamke hal kumul kununji

I do, I do
Yongwonhi hamkehagedanun gu mal, I do
Nowa issul temada
Joshimsurobge maumsoguro
I do, I do wanna spend my life with you
Kumul kumyo, I do
Sojunghan gu mengserul halte
Ni gyothe nega naui gyothe niga igirul
Sonul jabgo gorogamyonso
Soroege bal machwobomyonso
Yongwonhi hamke gal su inunji nukkyobwa
And I, I need to know
Naman irohge nukkingonyago
Anim nodo ne maumchorom
Yongwonhi hamkehal kumul kununji
I do, I do
Yongwonhi hamkehagedanun gu mal, I do
Nowa issul temada
Joshimsurobge maumsoguro
I do, I do wanna spend my life with you
Kumul kumyo, I do
Sojunghan gu mengserul halte
Ni gyothe nega naui gyothe niga igirul
Ije shijaghan uri sarang
Ajigun modunge irujiman
Guredo nado moruge jakku kunun kum
I do I do I do
Guredo nado moruge jakku kunun kum
I do I do I do

Saturday, July 16, 2005

WOW

At dahil UAAP, madadalas ang pagpost ko tungkol sa basketball.. wOOt! Sorry kayo.. Joke lang..
Ayos... doble saya ko... panalo na nga ang UP, which means 2-0 na ang school ko sa standings, tapos La Salle pa ang tinalo. More importantly, 4 points lang si Yeo... hahahaha... sorry galit ako sa kaniya.
Bukas manonood ako ulit ng UAAP. Ateneo na naman. Like I said, I'm a Blue Eagle at heart. Mahal ko ang Blue Eagles. Sorry pero totoo. Nakakalunkot lang isipin na minsan yung mahal mo hindi ka mahal.
Nye. Ano yun? Parang ang labo.
Di bale ng hindi niyo maintindihan. Gusto ko lang sabihin.
Nakakapagod na. Ayoko na kasi. Sayang ang effort ko. Parang ang olats kasi na kahit anong gawin mo, mangyayari't mangyayari pa rin na hindi ka na niya papansinin. Ho hum. Kala ko pa naman mabait ka. Siguro nga mabait ka. Hindi nga lang sa'kin.
So for that tapos na. Step off na ko. Kasi sayang na yung pera ko eh. Hintayin ko na lang yung panahon na maiisip mong meron palang isang ako na nakakaalala sayo. Diba? Tama na yun. Kahit hindi dumating ayos lang. Libre namang mangarap.
Ang labo talaga. Basta... natalo ang La Salle.

Monday, July 11, 2005


So I watched the ateneo-la salle opening game yesterday right. I was there, in blue and white. Blue blouse, white hanky, blue jeans, white sneakers, blue bag. So my sister and I arrive at araneta, via the walkway, down the steps which drops at the red gate. There was this guy giving away blue and green banners, yung mentos na parang trapal. And this guy has the audacity to ask me, "Ma'am, ateneo o la salle?" Leche, muntik ko ng sapakin. Musta naman, parang, manong bulag ka ba? Anyway, I just answer "Ateneo po." And the monumental dunderhead hands me a GREEN BANNER...
Anak naman ng tipaklong manong, grabe. Color blind ka, magpatingin ka na..^^Anyway, my sister and I get the right banner, and go inside to take our seats. Medyo 2pm pa lang nun, so medyo adamson at NU pa lang. Parang ang tagal pa nga nung game nila... ewan, pag ganun talaga parang forever...^^
Never mind the rest, anyone who reads the paper and listens to the radio and watches tv knows what happened. Ang sakit. Para kong sinalpakan ng lahat ng sama ng loobsa mundo. Hindi ko halos kayanin.. alam ko hindi ako atenista, pero sensha na Blue Eagle at heart ako..
Nakakalungkot, pero sige parin. Kahit na minsan parang ang hirap ng umaasa na may mangyayari pa. Siyempre alam ko babawi din naman sila, 1st game pa lang naman at 1st round pa lang..
ONE BIG FIGHT pa rin.
Go Ateneo, fight, Blue Eagle the King.^^

Saturday, July 02, 2005

Kagagahan na naman...

"Ano ba kasing akala mo sa sarili mo? Maganda? Kala mo pinagkakaguluhan ka ng mga lalaki? Tangina-shet, siraulo ka ba? Bulag ka ba?
Akala mo lang maganda ka. Akala mo lang mabait ka. Pero sa totoo lang, wala kang kwenta. Sa totoo lang, mamatay ka ng hindi ka nagkakaboyfriend, asawa, anak, at mag-isa at matanda kang lilisan sa mundong ito."
Pag nakikita ko ang sarili ko sa salamin, yan lang ang nasasabi ko. Kahit na dapat nag-aayos ako ng sarili para pumasok, kahit na dapat mukhang disente dahil haharap sa ibang tao. Tangina-shet.
Hindi ko naman piniling maging ganito eh. Ang kaso lang, pwede ko namang piliing wag maging ganito. Eh di magbago. Problema ba yun.
Arasso. Naiintidihan ko naman eh. Hindi naman ako tanga, kahit minsan parang oo.
Nagsasawa na 'kong ipilit ang sarili ko sa mga tao at lugar na hindi naman ako gusto. Sawa na 'kong masaktan. Sawa na 'kong mamrublema tungkol sa mga bagay-bagay dahil pakiramdam ko hindi ako belong.
Sabi ng iba, be yourself. Teka nga muna. How can I be myself when I don't even know who I am? Ni hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang ugali ko. Kung matino ba kong tao o tarantado. Kung may kwenta ba ko o wala.
Kaya minsan hindi ko alam kung may pakialam sakin ang mundo o niloloko ko lang ang sarili ko.
Sabi daw ni Eleanor Roosevelt, "Do one thing everyday that scares you." Araw-araw lumalabas ako sa mundo para humarap sa mga taong pakiramdam ko nagtitiis lang sa'kin. Hindi pa ba nakakatakot yun?
Tangina-shet. Musta naman! Hindi na matapos ang kagagahan ko...