Tuesday, October 17, 2006

After the Tears

Bakit ganito? Kung kelan tapos na ang lahat, at nakaiyak na ko at nakita ko na silang ngumiti, ngayon ako magsasalita?
Kasi ngayon, kaya ko na. Kasi alam ko, nangyayari talaga ang ganung bagay.
Hindi ko kasi naiintindihan yun dati. Feeling ko kasi hindi totoo...
Pero naisip ko, kung kaya nila, bakit hindi ko din subukan? Bakit hindi ko din tingnan kung kaya ko rin... Mas apektado sila, pero sila, nakakatawa, nakakangiti. Pati birthday ko, andun sila.
Kaya ko 'to. Kaya kong lampasan ang mga luhang pumatak.
Tulad nila.
Pagkatapos ng sakit, magiging maayos din.
Salamat sa lahat mga kaibigan. Sa limang taon ng saya, pagod, luha.
Bilib ako sa inyo.

Wednesday, October 11, 2006

It's My Party...

... and I'll cry if I want to. Oo, umiyak ako ng birthday ko. I'm sorry, pero ganun lang talaga. Hindi ko man napigilan, at least naramdaman ko na.
Alam ko naman kasi na hindi talaga yun ang nararamdaman ko. Hindi ko naman talaga siya mahal.
Pero masakit parin na ganun ang nararamdaman niya. Or rather hindi niya nararamdaman.
Hay... Talk about crashing and burning and all that crap about failing at something you want to go for.