Wednesday, June 08, 2005

P-U-T-A-N-G-I-N-A....

Ganyan ang spelling niyan... pero pag sinabi mo: poooootannggeeeennnaaaaahhhh!!! siyempre ganiyang lang ang labas niyan kapag sobrang bad trip ka...
Parang nitong nakaraang tatlong araw... este, isang linggo pala.. puro ganiyan na yung lumabas sa bibig ko kasi siyempre number 1: hindi matatapos-tapos yung enrollment ko. photah leche bwakanang shet naman! nagsimula na ang klase kahapon, hanggang ngayon 6 units parin lang ako, e dapat 15!
number 2: napapagod na ko kakalakad dahil sa pakshet na enrollment na yan. Naririndi na rin ako sa nanay kong parang minu-minuto na lang eh tinatanong kung anong nangyayari.. nagagalit siya dahil pababalik-balik ako sa school... tangna, siyempre wala akong magagawa ganun talaga..
number 3: nakamputa, nananahimik na ko, bigla ba naman akong guguluhin ni crush!!! leche yun.. pinagtripan ko lang naman siya nung biyernes kasi sheng-alak na naman ako nun.. sukat ba namang pitikan ko ng upos ng sigarilyo! hahahahaha!!! napa-ilag tuloy siya.. tapos mega-dissed siya sakin.. hehehe.. pero ngayon bigla ba naman akong itext ng kagaguhan! tingnan mo naman ang pagitan ng pagreact niya: saturday ng mga 3am kami huling nagkita. monday ng 2am ako tinext ng kung anu-anong katarantaduhan.. bigla ba naman akong awayin! leche, kung gusto niya suntukan na lang.. RAR!!!
Bwiset. Napapagod akong isipin siya. Dadagdag pa siya sa pagod ko sa putangnang enrollment na yun. Sana kasi hindi ko na lang siya nakilala, nakakabwiset lang.
Ang nakakainis pa, tapos na yung issue na yun. Hindi ko na nga siya hinahanap pa.. hindi na ko naglalakad sa gabi. (although partly kasi umuulan at pagod na rin ako galing school. hehe..) Sabi ko sa sarili ko, wala na tapos na ang nangyari kay crush..
BUT NO!!! Biglang nagparamdam si loko at para lang awayin ako.
Pak shet siya.. putangina siya... poooootannggeeeennnaaaaahhhh!!!

Wednesday, June 01, 2005

Hohum.. kaloka si crush talaga...

Nakakaloka si crush.. nakita ko siya kahapon.. pero ayoko na kasi siyang makita sa totoo lang. Nagkagulo kasi.. sabi niya hindi daw pwedeng maging kami kasi hindi siya pumapatol sa tropa.. Gusto ko nga siyang batukan, eh hindi naman kami magtropa!! Sabi niya nakakahiya din daw sa kapatid ko na barkada niya.. Nirerespeto lang naman daw niya yung kapatid ko. Hindi fair. Hindi pwedeng ganun. Diba pag gusto mo isang tao kahit na may mga hadlang, you work through them? Sa kaniya hindi, eh. Basta hindi pwede. Nung Thursday pa ng gabi yun...
Isang linggo na kong naglalakad-lakad sa village namin, wishing lang na makita ko siya... pero ayokong makita niya ko. Nung isang gabi kasama ko pinsan ko, pagdaan namin sa isang townhouse may mga nakatambay sa labas. May nagsabi nga ng "Hi girls!" Nilingon ko, puta siyet, mga barkada ni crush at andun din siya siyempre.. Natahimik sila nung nakilala ako.
Tapos nung isang gabi bumibili lang ako ng internet card sa kanto, may nagkukumpulan sa may malapit. Sila crush yun. Paano ko nalaman? Kasi narinig ko siya. Dinig na dinig ko boses niya.
Tapos kahapon... bumili lang kami ng mga pinsan ko sa tindahan. Tapos dapat mag-iikot kami. Kaya lang paglakad ko nakita sa bahay na malapit yung isang barkada ni crush... tapos may narinig akong scooter... may nagsabi na sa utak ko, wag ka ng tumuloy sa direksiyon na yun... kaya lang.. TOO LATE! Lumabas sa garahe yung scooter, nakasakay si crush.. Lumingon pa siya sa direksyon ko. Napatigil ako. Nung nakalayo na siya, napaatras ako tapos napabalik kami ng mga pinsan ko..
Kaloka talaga.. Sana hindi ko na lang siya nakita. Bad trip.