Sunday, August 28, 2005

Hoy.

Akala ko noon, di mo ko iiwan. Wala ka naman sinabi pero akala ko kasi, by the way that you treated me, matagal tayong magiging magkaibigan. Pero ngayon...
Ni hindi mo na ko tinitingnan. Parang pag nakikita mo ko, parang wala ako sa harapan mo. Makita mo man ako, parang hindi mo ko kilala. Parang nakalimutan mo na yung mga panahon na magkasama tayo kumain, yung birthday ko, yung nag-inuman tayo, kahit na hindi ka naman talaga umiinom.
Minsan pinipilit kong intindihin na wala ka lang sa mood kasi nasigawan ka. Na hindi maganda yung araw mo. Minsan lang talaga wala akong magagawa kasi hindi ko naman kayang i-control yung mood mo.
Pinipilit ko lang din intindihin na ayaw mo na kong kausapin kasi baka may magalit. Kasi baka magalit siya.
Kaya lang parang hindi ko pa rin ma-justify yung bagong attitude mo sa'kin.
Minsan gusto ko na lang itanong kung may nagawa ba kong masama. Para lang malaman ko kung ano ba talagang kasalanan ko at nagbago ka. Sana kung may kasalanan ako, wag mo na lang silang idamay. Sa'kin ka na lang magalit. Kasi kahit masakit alam kong ganun talaga. I can't stop you from disliking me. Minsan ganun talaga.
Gusto ko mang magalit sayo hindi ko magawa. Nakakainis na kahit ganiyan ka na, pag nakikita kita ganun pa rin ang nararamdaman ko para sayo. Na walang nagbago.
Nakakapagod.
Pero ang pinaka nakakainis sa lahat, ay hindi mo kahit kailan malalaman lahat ng sinabi ko ngayon. At alam kong kahit malaman mo, hindi pa rin babalik sa dati ang lahat.
So di bale na lang.

Saturday, August 06, 2005

Maling Akala

Akala mo, ok na. Hindi pa pala.
Akala mo, tama ka. Mali ka pala.
Akala mo, tapos na. Hindi pala yun ang katapusan.
Akala mo, may halaga ka. Wala pala.
Maraming namamatay sa maling akala. Tulad ko.