Monday, November 28, 2005

Ayoko...

Ayokong matuwa. Ayoko kasi baka masaktan lang ako.
Bakit kasi kung kailan malapit mo ng makalimutan ang isang tao, saka siya bumabalik?
Hindi fair, eh. Kasi wala kang dipensa. Mahina ka pa. Tapos magugulat ka dahil biglang, BOOM! andiyan na siya sa harap mo.
Nakangiti.
Nagso-sorry.
Para tuloy gusto mo siyang yugyugin at sigawan.
"Anong karapatan mong mag-sorry? Anong karapatan mong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa mo sa'kin?"
Pero wala.
Ang kaya mo lang gawin ay pilit na ngumiti, tumango at tumawa sa mga sinasabi niya. Bakit? Tanga ka ba? O talagang nagpapaka-tanga ka lang?
Malamang, nagpapaka-tanga lang ako. Alam ko yun. Lalo nung na-realize ko na mahal ko pa rin talaga siya.
Sakit sa ulo talaga.
Buti na lang maganda yung Harry Potter 4. Hehehe...