Wednesday, June 14, 2006

354737

So kamusta naman sa babaeng nababaliw na dahil hindi na maintindihan ang mga nararamdaman?
Bakit nga ba ko nagbibilang ng araw? Ano naman ngayon kung hindi kita nakita ng halos isang linggo? Wala akong pakialam kung anong ginagawa mo o kung kumain ka na ba o kung anong nangyari sa araw mo.........................
Hay....... Ang buhay talaga, parang life.... Hindi mo na nga gustong isipin, pumapasok parin sa isip mo.
Ganun ba talaga pag mahal mo ang isang tao?
Kasi........ parang nakakapagod. Parang nakakainis... Naalala ko tuloy yung isang quote na sinend sakin sa text:
"Bakit pag nagmamahal required na masaktan? Qualification ang maging tanga't gago.. Pero pag nagmahal ka, bigay todo! Tapos malalaman mo sa huli na hindi parin pala ikaw ang na-hire niyang mahalin...."
Totoo ba yun? Akala ko kasi, nagmahal na ko dati. Pero bakit parang hindi ko pa masyado naramdaman yung sakit. O naramdamang nagmukha akong tanga.
Ngayon pa lang.
Pinaka mahirap, bakit sa'yo pa?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home