Tuesday, May 24, 2005

Kagagahan ko...

Ano bang meron sa pag-inom at kung ano-ano ang nangyayari sayo?
Bushet, nagmukha na naman akong gaga nung kagabi dahil linapitan ko yung crush ko at nakipagholding hands ako. Syete, para kong tanga sa ginawa ko. HAH!
Pero wag ka, hindi pumalag si loko, kala mo naman may gusto rin sa'kin. Siyet! Sinasabihan pa kong matulog na raw ako kasi mukhang antok na ko. Sabi ko, "Ayaw! Andito ka pa, eh." Lecheng hirit yan. Ayun, magkakabit kami buong gabi.
Bushet! Ngayon hindi ko tuloy siya maalis sa utak ko. Para na kong nababaliw sa kakaisip tungkol sa kaniya kahit na alam kong wala naman talagang mangyayari sa'min. Tangnang yun.
Nagkita kami kanina, nag-iinuman na naman sila ng mga barkada niya. Nung nakita niya ko, ngumiti sa'kin at kumaway, kala mo naman special friends kami. Hinila ko nung isa kasi nalaman yung nangyari, sabi dun muna daw ako. Tangna, pinatabi pa ko sa crush ko! Bushet, sabi ko, di na uuwi na ko. Walanghiya, ayaw, sumiyat daw muna ko. Sabi ko ayaw, dadating ate ko, uwi na ko. Pagtayo ko, nagpaalam na ko, tangna, kagagahan na naman ang umiral sa'kin. Tinapik ko si crush sa balikat tapos sabi ko, "Uwi na 'ko." Tangna siyempre hiyawan ang mga gago. Sabi lang ni crush, "Sige."
P-U-T-A-N-G-I-N-A!!!!! Hwala, kala mo walang nangyari kagabi. Bushet!! Ang gaga ko talaga!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home